Sa aking mga katha,
Marami ang humanga
Ngunit sa sarili ko,
Lihim akong nakukutya.
Damdamin ko'y ipinahayag
Sa wikang banyaga
Di ko kayang iraos
Sa sarili kong wika.
Kung kaya ako naging bihasa
Sa wika ng mga dayuhan,
Dahil ito ang kinagisnan
At di maiwasang matutuhan.
Magaling man ako'y do ko sadya
Dahil hinubog sa wika ng iba
Yaring aking dila pati paniniwala,
Mula pa sa aking pagkabata.
Ngayon, nais kong tumula,
Ito ang tangi kong nasa,
Ngunit ako'y kimi, waring hiyanghiya,
Sa wika ng lahi ko'y nalilito, nalulula.
Patawad, aking Inang Wika,
Di ko ninais maging dayuhan,
Sa sarili kong lupa,
Mahal kita ngunit ako'y kapos sa salita.
Marami ang humanga
Ngunit sa sarili ko,
Lihim akong nakukutya.
Damdamin ko'y ipinahayag
Sa wikang banyaga
Di ko kayang iraos
Sa sarili kong wika.
Kung kaya ako naging bihasa
Sa wika ng mga dayuhan,
Dahil ito ang kinagisnan
At di maiwasang matutuhan.
Magaling man ako'y do ko sadya
Dahil hinubog sa wika ng iba
Yaring aking dila pati paniniwala,
Mula pa sa aking pagkabata.
Ngayon, nais kong tumula,
Ito ang tangi kong nasa,
Ngunit ako'y kimi, waring hiyanghiya,
Sa wika ng lahi ko'y nalilito, nalulula.
Patawad, aking Inang Wika,
Di ko ninais maging dayuhan,
Sa sarili kong lupa,
Mahal kita ngunit ako'y kapos sa salita.
by: Maria Luisa Tejero Torrento
No comments:
Post a Comment